CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Monday, 6 October 2008

NERBIYOS, SELOS, HINAGPIS, PANGHIHINAYANG, TAKOT




NERBIYOS
Kagagawan ito ng kape. Ang tigas kasi ng ulo, sinabi nang wag lalampas sa isang baso ng kape kapag puyat na puyat eh! Akala mo may drum festival sa loob ng puso, grabe sa paghataw ang pulse rate!

SELOS

Hindi ko maintindihan kung bakit kahit ilang beses ko sabihin sa sarili ko na natutunan ko na "siyang" kalimutan ay hindi ko pa rin magawang pigilan ang palihim na pag-irap ng aking mga mata at pagtatangkang magpanggap na walang epekto sa akin ang kawalan ko ng espasyo sa "kanyang buhay". Ginusto kong daanin sa biro, pero hindi ko rin naman nagawa. Ewan ko ba kung bakit kailangang mag-react ng puso ko dahil sa lantarang pakikipagharutan niya sa kanyang "adorable girl" na may kasintahan namang iba! At kung bakit ba hindi mapalampas ng utak ko ang mga imahe ng kanyang mga itinuturing na malalapit na kaibigan sa powerpoint presentation na inihahanda niya para sa isang contest! Bakit nga ba hindi, e halos puro babae yung nakita ko at ni hindi nag-appear kahit background man lamang ang aking mukha! To think na tinatawag niya akong "kakambal na kapatid" at soulmate! Buhay niya ang tema ng kanyang presentasyon, at ni hindi ko naramdaman na may bahagi ako, kahit kakaunti sa kanyang kasaysayan. Grrrrr!!!

HINAGPIS
Sa gitna ng paghahabol ng deadline ko sa trabaho ay umiiyak ako sa harap ng computer! Hinayaan ko na lamang ang sarili kong mag-emote kasabay ng mga awitin ni Lea Salonga at Regine Velasquez. Hinayaan ko na rin na mahabag ako sa aking sarili, sa kabila ng panatang iiwasan ko na ang ganitong gawi. Mahirap talagang gawing bato ang puso lalo kung laging kinukurot ng malungkot na kalagayan ng iyong pamilya na malayo sa'yo.

PANGHIHINAYANG
Hindi pa ako makakabili ng laptop gaya ng pinlano ko. Matapos magparamdam ang kapatid ko na kailangan niya ng pera para sa kanyang Microbiology tour, kinuwenta ko uli ang budget ko. Kukulangin na. Kaya goodbye muna sa aking dream pink MSI Wind netbook. Magbabayad na lang muna ako ng mga utang sa Pinas.

TAKOT
Ayoko pang umuwi ng Pilipinas. Natatakot ako sa "next episode" ng buhay ko. Hindi ko sure kung gagraduate ako. Hindi ko rin sure kung saan ako magtatrabaho. Walang sigurado. Walang tiyak na plano.
Kahapon naman (actually nung isang araw na pala kasi alauna na ngayon), sa bus ride ko pauwi galing sa Cheonan Festival, may isang ahjussi (manong) na nagwala dahil hindi huminto si mamang driver nung pumara siya. Sobrang nagalit siya at tumilapon ang bintana ng exit door nung pinagsisisipa niya ito habang malutong na nagmumura in korean. Sinugod niya ang driver at pinabababa kaming lahat (sardinas na pasahero ng bus na iyon)! Akala mo holdup scene na dahil scary talaga si ahjussi! Buti na lang sumuko rin siya at hinayaan na kaming tumuloy sa byahe. Haaaay...


0 comments: