"I'll be waiting for you, here inside my heart
I'm the one who wants to love you more.."
I'm the one who wants to love you more.."
Dito ko gustong simulan ang isang panghabambuhay na pagtatala ng aking kasaysayan. Dito ko nais umpisahan ang pagmamarka ng mga karanasan gamit ang malayang pag-agos ng damdamin at kataga. Dito ko gustong makita ang aking sarili bilang ako. Walang halong pagkukunwari. Walang pagsusumikap na tanggapin ninuman. Dito, sa isang sulok ng kalawakan. Dito ko isasakwadro ang mga sandaling hindi ko na mababalikan. Tulad ng mga larawang ipinapaskil ng isang ina sa bawat sulok ng tahanan.
2 comments:
oooh, para kanino kaya to?
someone I met here in Korea...hehe :)
Post a Comment