CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Wednesday, 8 October 2008

Love and Hate Relationship

Parang ngayon ko pa lang nauunawaan ang ibig sabihin ng 'love and hate relationship'. Salamat kay Puno, mas naiintindihan ko na ang mga nararamdaman ko.

Ilang oras na lang at gagayak na ako papuntang Everland, ang "dream amusement park" ng Korea. Kasabay ng excitement ay tiyak kong manghihinayang ako na hindi ko mapapanood si Puno sa kanyang English presentation contest. Bukod dun ay mababawasan pa ang oras ng paghahanda ko para sa group presentation namin nina Jolly at David sa Biyernes. At siyempre, hindi ko pwedeng kalimutan na kailangan kong maghanap ng papalit sa akin sa front office duty bukas. Haaaaayyyyy...

Kanina, habang naglalakad kami pauwi galing sa Noraebang, paulit-ulit kong kinakanta ang mga linyang ito:
Take me back in the arms I love
Need me like you did before
Touch me once again
And remember when
There was no one that you wanted more
Siyempre, pinilit ko talagang mabirit ang kantang To Love You More ni Celine Dion. Naalala ko tuloy ang mga panahong kinakanta ko ito para sa mga lalaking minahal ko pero hindi kailanman ako tinapunan ng tingin. Highschool days pa yun, at naulit nung college. O diba?!

Anyway, naisip kong talagang grabe ako magmahal. Bigay todo, kaya naman ang hirap bawiin. At ang sakit? Hindi kakayanin ng kahit na anong pain killer. Nakakatawa kasi para talaga akong masukista, naghahanap ng sariling sakit ng katawan! Kung bakit ba naman kasi ang hirap kalimutan ni Puno?!

Ang hirap din niyang mahalin bilang isang kaibigan. Minsan, gusto kong laging nandiyan sa tabi nya. Gusto ko syang patuloy na alalayan, gusto kong pagaangin ang loob. Pero minsan din, parang ayaw ko na siyang makita. Lalo na kapag ipinapamukha nya sa akin na hindi ako ganun kahalaga sa kanya. Kabaligtaran ng pagtingin at pagtrato ko sa kanya.

Kaya nga parang gusto ko na lang talagang isipin na okay lang mag-Everland at wag nang abalahin ang hindi ko pagpunta sa contest nya. Kalimutan na rin ang utang na loob ko sa kanya nung pumunta sya sa tambourine dance presentation ko sa church. Hindi naman pala "big deal" sa kanya eh. Fine!

Hay naku, pakiramdam ko talaga, kahit manatili akong "sapa" para sa kanya, wala na ring silbi ang yaman ng tubig ko dahil tuyot na ang kanyang mga dahon at panahon na para siya ay aking lisanin.

0 comments: