Grabe, nagsesenti na naman ako. Ang sakit lang talaga sa loob na wala akong magawang malaki para sa mga kapatid ko. Lalo na para sa nanay ko. Hindi na bale ang sarili ko. Masaya na ako kung mabibigay ko sa kanila mga kailangan nila. Tumatanda na si nanay pero ngayon pa siya bumalik sa pagtatrabaho.
Hindi ko alam kung dapat nga ba akong bumalik ng korea ngayon. Parang hindi pa ako handa at kulang na kulang pa ang maiipon ko. Siguro hindi muna ako makakatuloy ngayong taon. Pwera na lang kung may himalang dumating at matitiyak ko na bukod sa mabubuhay ako dun kahit walang scholarship, makakapagpadala ako sa bahay kahit pakonti konti.
Kung hindi ako matutuloy, sasagarin ko na lang pagraraket. Mabubuhay naman siguro ako (pati pamilya ko) sa halagang kinse mil kada buwan di ba?
Haggard. Buti na lang nandito si Pinkie. Forever kong karamay.
Aja!
June 8, 2009
12:38 noon
51mat
0 comments:
Post a Comment