Face your fears, Wennah. Come on, face your fears. Do not hide. Do not lie. Do not escape. Face your fears. And overcome them.
June 2, 2009
11:35am
FC 2083, UP Diliman
May 29, 2009
It' s supposed to be my finish line. But I have to extend to one more week.
Ramdam ko ang nerbiyos sa bawat hibla ng katawan ko. Takot na takot akong hindi makagraduate ngayong buwan. Ano na lang ang mangyayari sa akin kung hindi ako makakakuha ng bachelor's degree? Ayoko nang simulang paganahin ang aking imahinasyon. Baka tuluyan na akong mabaliw.
Isa lang ang pinagpapasalamat ko sa panahong ito. Bagaman ramdan ko ang pressure sa paligid ko, mas nananaig ang pagkamanhid ko sa mga bagay na makababasag ng aking paniniwala sa Diyos at sa sarili. Mas nakakayanan ko na ngayon ang kontrolin ang sarili kong upang huwag mataranta at mawala sa katinuan.
Basta. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukumpleto ang natitira kong mga kahingian para makapagtapos. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung magsasayang pa ako ng panahon sa mga sandaling ito. Malaking kalokohan na kung palalampasin ko ang huling pagkakataong ito upang makapagtapos.
Haggard. Pero kaya pa. Sige lang, abante pa. Kung may tiyaga, may nilaga. Kahit gaano kaluma ng kasabihang ito, may katotohanan pa rin itong taglay.
Go lang, go! ?
Wednesday, 3 June 2009
Late posts (last week)
Posted by Finisher at 18:33
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment