CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Friday, 28 November 2008

Wala akong maisip na title

Sa loob ng limang minuto ay kailangan ko nang bumaba sa opisina ng dorm na ito para magtrabaho. Ang daming kailangang tapusin pero talagang wala akong kahit katiting na sigla para gumalaw.

Bakit nga ba ako laging naghahanap ng inspirasyon? May sarili naman akong isip, kamay at paa, pero bakit parang lagi akong naghihintay ng biyaya mula sa bukal ng enerhiya?

Gusto kong bumalik sa pagiging matapang, masigla, malikhain, malambing at masipag na "ako". Gusto kong magtiwalang muli sa aking sariling kakayahan. Gusto kong huminga nang maluwag, kumilos ng malaya. Gusto kong maging excited na gumising araw-araw.

Marami akong gustong maramdamang muli. Marami akong gustong balikan, marami ring gustong tapusin. Pero blankong papel ang laman ng utak ko. Nilamukos na blankong papel.

Tik tak tik tak.

0 comments: